|
Malolos City Seal |
Ang bansang Pilipinas ay hindi lamang sagana sa mga likas na yaman kundi pati na rin sa mga makasaysayang pangyayari mula pa noong unang panahon. Patunay rito ang mga makakasaysayang pook kung saan naganap ang ilang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas. Isa ang lungsod ng Malolos sa mga ito, isang makasaysayang pook kung saan ito ay kinilala bilang unang kapital ng unang republika ng bansa. Hindi na ito nakakapagtaka dahil dito matatagpuan ang himpilan ng unang presidente ng unang republika ng Pilipinas si Heneral Emilio Aguinaldo. Dito din makikita ang makasaysayang simbahan ng Barasoian kung saan ginawa’t pinagtibay ang unang konstitusyon ng bansa. Sa ngayon ang lungsod na ito ay kinikilala bilang kabisera ng probinsiya ng Bulacan at ito ay binubuo ng 51 barangay. Ang mga ngalan ng mga barangay na ito ay sinunod sa mga karaniwang puno na makikita sa bansang Pilipinas at dahil na rin sa kadahilanang minsan naging sagana sa kagubatan at mayamang lupain ang lungsod na ito bago pa man dumating ang mga mananakop na kastila at tuluyang nilaganap ang kristiyanismo sa mga katutubo. Ang ibang ngalan naman ay sinunod sa ngalan ng mga patron saints.
|
Barasoain Church | Malolos, Bulacan |
Sa kasalukuyang panahon ito ay tinuturing na isang ika-4 na uri ng maunlad lungsod sa buong bansa sa lalawigan ng Bulacan. Dahil ito sa kinikitang buwis buhat sa mga pangunahing pangkabuhayan at negosyo sa lugar tulad na lamang ng sa palengke, katayan ng hayop, iba’t-ibang ari-arian at mga lisensya ng mga pangunahing negosyo. Maraming pwedeng pagkakitaan ng pangkabuhayan sa lungsod dahil mayamam ito sa mga lupain ng palayan at palaisdaan ang natitirang lupain naman ay nakalaan para sa mga lupang tirahan ng mga tao. Sinasabing napaunlad ang lungsod dahil sa pagsasaayos ng mga kalsada’t tulay sa mga baranagay gayon din ang mga daluyan ng tubig. Ang lungsod ng Malolos ay naghahangad pa ng patuloy pagbabago at kaunlaran sa tulong ng iba’t-ibang sektor ng lipunan bukod sa mga residente katulong ang kanilang mga hanapbuhay. Sa ngayon naging sentro na rin ito ng mataas na pamantayan ng edukasyon sa gitnang Luzon, hindi lamang iyon dahil maging ang turismo at maging ang mga negosyo ay yumabong dito. Ito ay dahil sa mga makakasaysayang pook, mga masasayang pagdiriwang, mga lokal na produkto at mga modernong pasyalan tulad ng mga resorts, shopping sites at mga playing areas. Kaya’t kung nais ninyong mabalik-tanaw sa nakaraan ang lungsod ng malolos ang siyang dapat puntahan dahil dito matatagpuan ang mayamang kasaysayang kalakip ang mga lugar na siyang pinagdausan ng mga pangyayaring iyon. Hinding-hindi kayo mababagot sa lugar na ito dahil pagkatapos ng makabuluhang paglilibot sa mga kamangha-manghang makasaysayang lugar pwedeng ituloy ang masayang pamamasyal sa mga modernong lugar sa lungsod at huwag ding kalimutan ang natatanging serbisyo ng lungsod tungkol sa maayos na panunuluyan dahil mayroong Malolos Apartment na mayroong kumpleting kagamitan, may angkop na lokasyon at higit sa lahat isang maayos na masisilungan na magbibigay ng isang maginhawang pahinga. Talagang sulit ang inyong pagpunta sa lugar na ito, hindi lang kayo matuto at mamamangha sa mga natatanging lugar kundi pati na rin sa kumpleto at hindi matatawarang serbisyo ng mga “Malolenos”